PBBM hanga sa panalo ng Gilas vs Latvia: Let’s shoot for Paris Olympics!

Maging si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay napahanga sa ipinakita ng Gilas Pilipinas sa laro nito laban sa Latvia.

Maging si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay napahanga sa ipinakita ng Gilas Pilipinas sa laro nito laban sa Latvia.

Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Marcos sa Gilas Pilipinas matapos nitong talunin ang Latvia sa sarili nitong bakuran sa iskor na 89-80 sa FIBA Olympic Qualifying Tournament Huwebes ng madaling araw.

Ayon kay Pangulong Marcos, sulit ang bawat segundong paghihintay matapos muling manaig ang Pilipinas sa isang European team.

Ito kasi ang unang panalo ng Pilipinas sa isang European team mula nang talunion nito ang Spain sa 1960 Olympic Games.

“64 years in the making and worth every second!,” anang Pangulo.

“We are all cheering you on from home—let’s shoot for Paris Olympics! Good luck!” dagdag pa nito.

Nagulat ang taong bayan nang talunin ng Pilipinas ang Latvia na nasa ika-anim na puwesto sa world ranking sa larangan ng basketball.

TINGNAN: