PBBM Handang Ipagtanggol ang Konstitusyon sa bantang secession ng Mindanao

“Hindi ito ang Bagong Pilipinas na ating hinuhubog. Bagkus, ito ay pagwasak mismo sa ating bansang Pilipinas. Our Constitution calls for a united, undivided country... We will continue to defend it against any and all threats, external and internal.”

“I will not stand idly by, but rather, will proactively confront these issues head on. For it is my sworn duty as elected President to preserve and defend the Constitution,”

Ito ang mensahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa nagnanais na ihiwalay ang Mindanao.

Sa kanyang talumpati sa paggunita sa Philippine Constitution Day sa Makati City, araw ng huwebes, February 8, 2024, binigyang diin ng Pangulo ang kanyang commitment na maipatupad ang batas ng Pilipinas.

Bahagi aniya ng kanyang sinumpaang tungkulin ang pagkakaroon ng isa at nagkakaisang bansa kaya anumang pagtatangka na wasakin ito ay hindi magtatagumpay. “Our progenitors have made this pact for us to be one and united. Once we ‘start to destroy the Constitution, there will be a breakage in our society’. So it must be. So we must also honor our word.”

Nanawagan din siya sa mga Pilipino na ipagtanggol ang ating konstitusyon. “Hindi ito ang Bagong Pilipinas na ating hinuhubog. Bagkus, ito ay pagwasak mismo sa ating bansang Pilipinas. Our Constitution calls for a united, undivided country… We will continue to defend it against any and all threats, external and internal,”

Pagtitiyak pa ng Pangulo na bilang lider ng bansa ay magiging tagapangalaga siya ng konstitusyon. “Rest assured, as President of our great Republic, I will continue to live up to the recognition you have bestowed upon me almost a decade ago, as a ‘Great Protector of the Constitution’”