PBBM: Handa ang Pilipinas para mag-host ng ASEAN Summit sa 2026

Nagprisinta si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gawin ang ASEAN Summit sa Pilipinas sa 2026

Nagpahayag ng kahandaan ang Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mag-host ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa 2026.

“It is my pleasure to announce that the Philippines is ready to take the helm and chair ASEAN in 2026. We will fortify the foundations of our community-building and navigate ASEAN as it embarks on a new chapter,” sambit ni Marcos sa ASEAN Summit Plenary ngayong Martes, Setyembre 5.

“We will count on the support of fellow Member States and continue to work with our partners to strengthen ASEAN Centrality, and to promote peace, security, stability, and prosperity in the region,” ayon sa Pangulo.

Nagpasalamat ang Pangulo at binati si Indonesia President Joko Widodo sa mainit na pagtanggap sa mga delegado bilang chairman ng ASEAN ngayong taon. Nagpahayag rin ng suporta si Marcos sa Lao PDR, na tatayong host ng ASEAN Summit sa susunod na taon.

Iginiit ng Pangulo na mahalagang maging sentro ng anumang hakbang ng samahan ang taumbayan, lalo na ang mga nasa laylayan.

“We must continue to prepare our people, especially the marginalized and the vulnerable, such as the women and the persons with disabilities in business, for the digital future. The citizens of ASEAN should reskill and upskill to maintain their leading roles in our economies,” ayon sa Pangulo.

“Let us ensure that our digital infrastructure enables broad and uninterrupted access, as the provision of our public services has shifted to digital platforms,” dagdag pa niya.