PBBM: Handa ang PH na pangunahan ang pagpapatakbo ng ASEAN Guidelines on the Protection of Migrant Workers and Family Members in Crisis Situation

Nais pangunahan ng Pilipinas ang pagpapatakbo ng ASEAN Guidelines on the Protection of Migrant Workers and Family Members in Crisis Situation, ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Nais pangunahan ng Pilipinas ang pagpapatakbo ng ASEAN Guidelines on the Protection of Migrant Workers and Family Members in Crisis Situation, ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

“We must be ready to assist those who have toiled to contribute significantly to our economies: as our migrant workers. In this regard, the Philippines stands ready to lead and support efforts to operationalize the ASEAN Guidelines on the Protection of Migrant Workers and Family Members in Crisis Situations,” sinabi ng Pangulo sa plenaryo ng ika-43 na ASEAN Summit sa Jakarta.

Iginiit ng Pangulo na ang naturang polisya ay dapat maging handa magbigay ng tulong sa mga migranteng manggagawa na nakararanas ng krisis. Dapat maging handa rin ipadala ang tulong sa iba’t ibang estado ng krisis at layuning maka-recover ang mga manggagawang nagigipit sa sitwasyon.

Nagsimula ang plenaryo ng ika-43 ASEAN Summit matapos ang opening ceremony nito Martes ng umaga, Setyembre 5.

Kasama ng Pangulo sa opening ceremony ang ASEAN Summit chair at Indonesian President Joko Widodo, Brunei’s Sultan Hassanal Bolkiah, Cambodia Prime Minister Hun Manet, Lao PDR Prime Minister Sonexay Siphandone, Malaysia Prime Minister Anwar Ibrahim, Singapore Prime Minister Lee Hsien Loong, Vietnam Prime Minister Pham Minh Chinh, Mark Brown, Prime Minister of Cook Islands, Bangladesh President Mohammed Shahabuddin, atTimor-Leste Prime Minister Xanana Gusmaño.

Ipinadala naman ng Thailand ang permanent Secretary for Foreign Affairs nito na si Sarun Charoensuwan.