PBBM hanap pangmatagalang solusyon sa matinding traffic

Pinakilos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang gabinete na bumuo ng 'comprehensive' na plano para masolusyonan ang problema sa traffic ng bansa.

Pinakilos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang gabinete na bumuo ng ‘comprehensive’ na plano para masolusyonan ang problema sa traffic ng bansa.

Ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan, isa sa napag-usapan noong ika-16 full Cabinet meeting ng Pangulo ang tungkol sa bigat ng trapiko.

“So, we had a very long discussion on the traffic issue and the President gave instruction to everyone to submit their recommendations, how their respective offices will adjust and configure their work environment,” saad ni Balisacan.

Lahad ng NEDA chief, hindi na papasa kay Marcos ang pautay-utay na pagresolba sa traffic.

“But what the President really wants is a comprehensive, holistic approach to solving the traffic problem, hindi iyong piecemeal approach ‘no as has been the case all these years,” sambit pa ni Balisacan.

Binahagi ni Balisacan na dapat pagtuunan ng pansin ang ‘intermodal transport system’ na magsisigurong aakma ang bawat transportation project sa bawat isa.