PBBM: Gobyerno, patuloy na igigiit ang karapatan ng Pilipinas sa usapin ng West Philippine Sea; bagong mapa ng China, ipinagkibit-balikat lamang

Iginiit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gagawa ng hakbang ang pamahalaan ukol sa panibagong hakbang ng China na kamkamin ang buong South China Sea, sa mapang tinaguriang 10-dash line, kabilang ang exclusive economic zone ng Pilipinas na bahagi ng West Philippine Sea.

Iginiit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gagawa ng hakbang ang pamahalaan ukol sa panibagong hakbang ng China na kamkamin ang buong South China Sea, sa mapang tinaguriang 10-dash line, kabilang ang exclusive economic zone ng Pilipinas na bahagi ng West Philippine Sea.

“Now, once again, we have received the news that now, the nine-dash line has been extended to the 10-dash line. We have to respond to all of these and we will,” ayon kay Marcos na nagpaunlak ng panayam kasama ang media sa Puerto Prinsesa City, Biyernes ng umaga, ika-1 ng Setyembre.

Hindi na dinetalye ng pangulo ang mga gagawing hakbang dahil bahagi na daw ito ng “operational details.”

Nanindigan si Marcos na hindi kailanman bibitawan ng bansa ang “territorial claim” nito dahil itinaguyod na ang karapatan ng Pilipinas sa exclusive economic zone nito sa West Philippine Sea.

“Ngayon (Now), of course, we’ll continue to defend our territorial sovereignty, our territorial rights. We have not changed our approach. It is other countries around us that have changed their approach,” aniya.

Dagdag pa ni Marcos na malinaw ang pamantayang nakasaad sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) na nagsisilbing malinaw na basehan sa karapatan nito sa West Philippine Sea.

“We have to stay true to the rules-based international law, especially the UNCLOS. That I think puts us on a very solid ground in terms of our claims for territorial sovereignty, for maritime territory. And this has been validated and supported by many, many countries around the world,” ayon sa pangulo.

“And I think we need to strengthen that. That again is a very big help to the Philippines in continuing to defend our maritime borders,” punto pa ni Marcos.