PBBM ginagawa lahat para maligtas mga Pinoy sa inatakeng barko sa Red Sea

Siniguro ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na umaaksyon ang gobyerno para maisalba ang mga Pinoy seaman na nakasakay sa MV Tutor, na inatake ng armadong grupo habang naglalagay sa Red Sea.

Siniguro ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na umaaksyon ang gobyerno para maisalba ang mga Pinoy seaman na nakasakay sa MV Tutor, na inatake ng armadong grupo habang naglalagay sa Red Sea.

Ayon kay PBBM, nakikipag-usap na sila sa UK Maritime Trade Operations para sa kaligtasan ng Pinoy crew sa naturang barko.

Naghahanap na rin ng paraan ang Philippine government para madala muna sa Djibouti ang mga Pinoy na nasa MV Tutor.

“Nagko-coordinate kami sa UK Maritime Trade Operations at naghahanap kami ng paraan para madala kayo muna sa Djibouti,” ayon kay Marcos.

“Mula sa Djibouti, gumagawa rin kami ng mga arrangements para makapunta na kayo, makauwi na muna kayo,” aniya pa.

Noong June 12 naganap ang pag-atake sa naturang barko na pakana ng rebeldeng grupo na Houthi.

Ayon sa isang crew ng barko, abot sa 22 Pinoy ang asaky ng MV Tutor.