PBBM, FL Liza nakipagkulitan sa mga giant poodle!

Enjoy na enjoy sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Marcos sa pagbisita sa kanila ng dalawang giant poodle!

Enjoy na enjoy sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Marcos sa pagbisita sa kanila ng dalawang giant poodle!

Sa post ni Dr Z Teo, owner ng kennel na Z Giant Poodles, makikitang todo ngiti ang first couple.

“Got a courtesy call from some furry diplomats,” saad ni Marcos.

Natuwa naman si Dr. Teo sa pambihirang pagkakataon na makabisita sa Malacañang dala ang kanilang mga alagang aso.

“Our Z Giant Poodles are possibly the most famous dogs in the country now. So proud of them and they behaved themselves immaculately,” ayon kay Dr. Teo.

Kilalang pet lover ang Pangulo, na may alagang labrador na pinangalan niyang Tequila.