PBBM, FL Liza, nag-host ng dinner para sa mga senador, mga asawa

Isang araw matapos ang pagbabago sa pamunuan ng Senado, inanyayahan nina President Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos ang mataas na kapulungan para sa isang dinner party.

Isang araw matapos ang pagbabago sa pamunuan ng Senado, inanyayahan nina President Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos ang mataas na kapulungan para sa isang dinner party.

Sa kanyang deleted na Instagram post, nagpasalamat si FL Liza sa mga dumalo sa kanilang hinandang dinner.

“Had a nice time with our Senators & their spouses. Hope to see you guys in August,” sa kanyang post.

Makikitang present sa handaan sina Senate President Francis Escudero, kasama ang may bahay na si Heart Evangelista; Senator Ralph Tulfo at ACT-CIS Party List Representative at asawang si Jocelyn Tulfo; Senator Mark Villar at maybahay Emmeline Yan Aglipay; Senator Cynthia Villar at Manny Villar.

Dumalo rin sina Senators Robin Padilla, Alan Peter Cayetano, Francis Tolentino, Sherwin Gatchalian, Jinggoy Estrada, Loren Legarda, Pia Cayetano at Grace Poe; kasama rin ang may bahay ni Senator Bong Revilla na si Cavite Rep. Lani Mercado-Revilla, at asawa ni Senator Koko Pimentel na si Kathryna Yu-Pimentel.

Matatandaang 15 mula sa 24 na mga senador ang sumang-ayon na pababain sa pwesto si Senator Juan Miguel Zubiri na siya namang pinalitan ni Escudero.