PBBM, FL Liza nag-date sa James Taylor concert

Sa wakas ay nakabawi na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay First Lady Liza Marcos na ilang beses na raw niyang hindi nai-date.

Sa wakas ay nakabawi na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay First Lady Liza Marcos na ilang beses na raw niyang hindi nai-date.

Ito’y matapos manood ang dalawa sa concert ni James Taylor sa Mall of Asia Arena nitong Martes.

Ibinahagi ng First Lady sa kanyang Facebook post ang ilang larawan nila ng pangulo sa concert.

“An evening with James Taylor,” saad ng First Lady sa caption.

Kamakailan lamang, sinabi ni Pangulong Marcos na nagtatampo na sa kanya ang kanyang asawa dahil ilang beses na niya itong hindi nai-date gawa ng kanyang pagiging abala sa trabaho.

Nangako rin noon si Marcos na babawi siya sa First Lady pagkauwi niya ng bansa.