PBBM, FL Liza Marcos, paboritong anak muna ang bunso ngayong araw!

Binati nang isang maligayang kaarawan nila Pangulong Ferdinand 'Bongbong' Marcos at First Lady Liza Araneta-Marcos ang kanilang bunsong anak na si William Vincent "Vinny" Marcos ngayong araw.

Binati nang isang maligayang kaarawan nila Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos at First Lady Liza Araneta-Marcos ang kanilang bunsong anak na si William Vincent “Vinny” Marcos ngayong araw.

Sa kanyang official Facebook page, pabirong sinabi ni Pangulong Bongbong na ‘favorite son’ muna nila si Vin hanggang sa matapos ang May 17.

“Hey, Vin. So, birthday time again. I’ll give you a chance that as on May 17, you are the favorite. But don’t get used to!” sabi ng Pangulo sa kanyang post.

Kinontra naman ito ni First Lady Liza, “Always my favorite! You’re the most charming, the most talkative, the most everything. I love you so much. Happy Birthday, anak.”

Magda-dalawampu’t pitong taong gulang na si Vin ngayong araw. Si Vinny ang bunso sa tatlong anak na lalaki nila First Lady Liza at Pangulong Bongbong Marcos.