PBBM, FL Liza binati Imelda Marcos sa 95th birthday nito

Maligayang binati ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang ina at dating first lady Imelda Marcos sa kaarawan nito ngayong araw, Hulyo 2.

Maligayang binati ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang ina at dating first lady Imelda Marcos sa kaarawan nito ngayong araw, Hulyo 2.

Sa kanyang post sa Instagram, pinasalamatan ng pangulo ang kanyang ina para turo nito sa kanya at kanyang anak na maging mabait at mapagmahal na indibidwal.

“Happy happy birthday, Mom ❤️. Thank you for teaching me and your granchildren to be gracious, kind and compassionate,” saad ni Marcos sa kanyang post.

Hindi rin nagpahuli ang maybahay ng pangulo na si First Lady Liza-Araneta Marcos na batiin at pasalamatan ang kanyang biyenan sa kaarawan nito.

“Thank you for being a second mother to me. You are and always will be my first lady,” post ni FL Liza sa kanyang Instagram.

Nagdiriwang ng kanyang ika-95 kaarawan si Imelda Marcos ngayong araw.

TINGNAN: