PBBM, First Lady Liza pahinga muna matapos magkasakit

Nagkaroon ng sakit na mala-trangkaso sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos.

Nagkaroon ng sakit na mala-trangkaso sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), nagpapahinga ngayon ang mag-asawa base sa rekumendasyon ng kanilang doktor.

“To ensure their speedy recovery, they have been advised by their attending physician to get some rest,” wika ng PCO.

Siniguro naman na stable ang vitals ng First Couple.

Ngunit dahil sa masamang pakiramdam ng Pangulo at First Lady ay kanselado muna ang kanilang mga naka-schedule na appointment.

Matatandaan na kakauwi lang ng mag-asawang Marcos sa bansa matapos magtungo sa Germany at Czech Republic.