PBBM, First Lady dedma sa paratang ni Quiboloy

Tila hindi iniintindi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos ang mabigat na paratang ng kontrobersyal na religious leader na si Pastor Apollo Quiboloy.

Tila hindi iniintindi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos ang mabigat na paratang ng kontrobersyal na religious leader na si Pastor Apollo Quiboloy.

Ito ay marahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nila sinasagot ang sinabi ni Quiboloy na may sabwatang nagaganap sa pagitan ng Estados Unidos at ang Malacañang para siya ay ipadakip at patahimikin.

Sa halip ay inilaan na lamang ng First Couple ang kanilang oras para makapag-relax at makasama ang isa’t-isa sa isang date night nitong Miyerkules.

Sa Facebook post ni Pangulong Marcos, makikita na sweet na sweet ang dalawa habang nagtatawanan sa kanilang salu-salo.

Nahaharap sa patung-patong na reklamo si Quiboloy sa US at maging sa Pilipinas at inamin na siya ngayon ay nagtatago.

Ang Senado at Kongreso ay mayroon ding magkahiwalay na imbestigasyon na ginagawa ukol sa umano’y pang-aabuso ni Quiboloy sa mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ.