PBBM, First Lady bumubuti na pakiramdam

Bagaman nakararanas pa rin ng lagnat sina Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. at First Lady Liza Marcos, bahagya namang bumubuti ang kanilang kalagayan.

Bagaman nakararanas pa rin ng lagnat sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at First Lady Liza Marcos, bahagya namang bumubuti ang kanilang kalagayan.

Ayon sa pahayag ng Presidential Communications Office (PCO), patuloy pa rin ang pagpapahinga at pag-inom ng gamot ng First Couple para agad na gumaling.

“They remain in a comfortable state. Both have received advice to continue their prescribed medications, ensure adequate fluid intake, and prioritize rest,” saad ng PCO.

Samantala, patuloy umano ang pagtatrabaho ng Pangulo sa kanyang tahanan sa kabila ng sakit nito.

Inanunsyo ng PCO Miyekoles ng gabi na may lagnat ang First Couple matapos ang kanilang pagbiyahe sa Germany at Czech Republic noong nakaraang Linggo.