PBBM dineklarang ‘regular holiday’ ang Abril 10 dahil sa Eid’l Fitr

Idineklara ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na regular holiday sa buong Pilipinas ang Abril 10 dahil sa Eid'l Fitr.

Idineklara ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na regular holiday sa buong Pilipinas ang Abril 10 dahil sa Eid’l Fitr.

Ginugunita ang Eid’l Fitr bilang pagtatapos ng Ramadan o isang buwang pag-aayuno sa Islam.

Ngayong Huwebes ay ibinahagi ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang pinirmahan ng Pangulo na Proclamation 514.

Ayon sa proklamasyon, ito ay upang bigyan ang bawat Pilipino ng pagkakataon na makiisa sa mga kababayang Muslim.

“In order to bring the religious and cultural significance of the Eid’l Firs to the fore of national consciousness, and to allow the entire Filipino nation to join their Muslim brothers and sisters in peace and harmony in the observance and celebration of Eid’l Fitr, it is necessary to declare Wednesday, 10 April 2024, a regular holiday throughout the country,” nakasaad sa proklamasyon.