PBBM: ‘Di lang bayani ang Pilipino tuwing araw ng Kalayaan

"We continue to witness the true spirit of freedom in every Filipino who fights fairly in their day-to-day lives."

“We continue to witness the true spirit of freedom in every Filipino who fights fairly in their day-to-day lives.”

Ito ang mensahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa mga manggagawang Pilipino ngayong araw ng Kalayaan.

Aniya, ang diwa ng kalayaan ay tunay na nakikita sa pang araw-araw na buhay ng mga Pilipino kung saan araw-araw din silang humaharap sa pagsubok ng buhay.

Patunay rito ang mga guro, sundalo, magsasaka, mangingisda at mga ordinaryong Pilipinong manggagawa na siyang ating mga bayani di lang ngayong araw ng Kalayaan.

“We see it in the resilience of our farmers and fisherfolks as they provide us sustenance. We see it in the dedication of our teachers as they nurture the minds of the future generation. We see it in the tenacity of our soldiers as they protect every inch of our territory, adamant as they are in the certainty that Filipinos do not, and shall never, succumb to oppression,” sabi ni Marcos.

Pinangunahan ni Marcos ang pagsisimula ng selebrasyon ng ika-126 paggunita ng Araw ng Kalayaan sa Rizal Park Monument sa Manila.