PBBM determinado wakasan bentahan ng sanggol online!

Sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., layon ng pamahalaan na wakasan ang problema sa trafficking ng mga sanggol sa bansa, ayon sa pahayag ng Department of Justice (DOJ) ngayong Huwebes (Mayo 30).

“Kami po ay kasalukuyang nakikipag-usap sa Tanggapan ng Pangulo dahil si Presidente na mismo ang nagnanais na magpakialam sa ating problemang ito,” wika ni DOJ Assistant Secretary Jose Dominic Clavano IV sa panayam sa Bagong Pilipinas Ngayon.

Ipinunto ni Clavano na ayon kay Pangulong Marcos Jr., hindi raw magkakaroon ng progreso at pag-unlad ang Pilipinas kung may mga ganitong mapanghamak na krimen na nagaganap.

Kamakailan, naglabas ang DOJ ng resolusyon na nagrerekomendar ng pagsasampa ng kaso laban sa dalawang indibidwal na naaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa pagbebenta ng sanggol.

Patuloy ding isinasara ng pamahalaan ang mga account sa social media na sangkot sa ilegal na aktibidad.