PBBM biyahe sa Singapore, Brunei

Bibisita si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Brunei at Singapore sa susunod na linggo para sa isang state visit at makilahok sa IISS Shangri-La Dialogue, ayon sa Department of Foreign Affairs.

Bibisita si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Brunei at Singapore sa susunod na linggo para sa isang state visit at makilahok sa IISS Shangri-La Dialogue, ayon sa Department of Foreign Affairs.

Ayon kay DFA Spokesperson Maria Teresita Daza, pupunta si Pangulong Marcos sa Brunei mula May 28-29 para sa bilateral meeting kasama ang Brunei Sultanate at bisitahin ang Filipino community doon.

Dadalo naman ang pangulo sa International Institute For Strategic Studies Shangri-La Dialogue na gaganapin sa Singapore mula May 30-31.

Ang Brunei at Singapore ang ikapito at ikawalong bansang bibisitahin ni Pangulong Marcos ngayong 2024.