PBBM binuska ex-PDEA agent: Professional liar!

Kamakailan lang kasi ay sinabi ni Morales na may katotohanan ang kumalat na leaked documents ng PDEA na listahan ng mga gumagamit ng iligal na droga, kung saan nakalagay ang pangalan ni Pangulong Marcos at ang aktres na si Maricel Soriano.

“Professional liar.”

Ganiyan tawagin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si dating Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) agent Jonathan Morales matapos siyang idawit nito sa mga gumagamit ‘di umano ng iligal na droga.

Kamakailan lang kasi ay sinabi ni Morales na may katotohanan ang kumalat na leaked documents ng PDEA na listahan ng mga gumagamit ng iligal na droga, kung saan nakalagay ang pangalan ni Pangulong Marcos at ang aktres na si Maricel Soriano.

Ayon sa Pangulo, tila parang isang jukebox si Morales na kanta nang kanta kahit walang saysay.

Nariyang una na ring nagkaroon ng kaso ni Morales ukol sa pagbibigay ng mga walang katotohanang testimonya.

“Mahirap namang bigyan ng importansya ‘yan. This fellow is a professional liar. Parang jukebox ‘yan eh. Basta maghulog ka ng pera, kahit anong kantang gusto mo, kakantahin niya. Kaya walang saysay,” pahayag ng Pangulo.

“Tingnan n’yo na lang ang kaniyang record. May kaso siya ng false testimony. Marami siyang history na kung sino-sinong sinasangkot kung saan-saan. ‘Yun ang hanapbuhay yata niya. Kaya professional liar ang tawag ko sa kaniya,” dagdag pa nito.