PBBM: Bigyang halaga ang sakripisyo ngayong Eid’l Adha

Hinimok ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang mga Filipino na isabuhay ang mga aral, sakripisyo at pananampalataya ng mga Muslim.

Hinimok ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga Filipino na isabuhay ang mga aral, sakripisyo at pananampalataya ng mga Muslim.

Sa mensahe ni Pangulong Marcos sa paggunita sa Eid’l Adha o Feast of Sacrifice, sinabi nito na gamitin sana ang araw na ito para maiangat ang pamumuhay ng mga Filipino tungo sa Bagong Pilipinas.

“As we observe Eid’l Adha, let us embrace the lessons of sacrifice and unconditional faith. May this celebration inspire us to uplift lives and create a Bagong Pilipinas rooted in righteousness and peace,” pahayag ni Pangulong Marcos sa kanyang Facebook account.

“I wish you a jubilant celebration of your faith and vows of sacrifice. Eid Mubarak!” sabi ni Pangulong Marcos.