PBBM bibisita UAE sa November — FL Liza

Kinumpirma ni First Lady Liza Araneta-Marcos na tuloy ang pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa United Arab Emirates (UAE) ngayong Nobyembre.

Kinumpirma ni First Lady Liza Araneta-Marcos na tuloy ang pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa United Arab Emirates (UAE) ngayong Nobyembre.

Sinabi ni FL Liza ang kumpirmasyon sa kanyang pagdalo sa meet-and-greet event ng mga Filipino community doon.

Ito ay matapos naunsyami ang pagdalo sana ng pangulo sa 28th Conference of the Parties to the UN Framework Convention on Climate Change (COP28) na ginanap sa UAE noong Nobyembre rin ng nakaraang taon

Pinasalamatan naman ni Philippine Ambassador to the UAE Hon. Marford M. Angeles ang pagbisita ni FL Liza dahil patunay lang ito na isa sa mga hiling ni Pangulong Marcos na makasama ang mga Pilipino doon.

“Her presence here tells us that the president was serious when he said that he really was yearning and looking forward to being with us,” sabi ni Angeles.

Si Pangulong Marcos ang kauna-unahang presidenteng Pilipino na bibisita sa UAE sa loob ng 15 taon, matapos ang pagpunta doon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong 2008.