PBBM balik ‘Pinas matapos matagumpay na biyahe sa Brunei, Singapore

Nangako si Pangulong Bongbong Marcos na gagamitin ang mga resulta ng kanyang successful na state visits sa Brunei at Singapore upang paangatin ang ekonomiya at seguridad ng bansa.

Nangako si Pangulong Bongbong Marcos na gagamitin ang mga resulta ng kanyang successful na state visits sa Brunei at Singapore upang paangatin ang ekonomiya at seguridad ng bansa.

“My promise to all Filipinos, we will use every opportunity and continue to build bridges that will ensure a long-lasting peace and stability in our region,”

Ginawa nya ang pangakong ito matapos siyang dumating sa Villamore Airbase nitong Sabado ng umaga.

Nakipag-usap si Pangulong Marcos kay Sultan Haki Hassanal Bolkiah Mu’izzaddin Waddaulah ng Brunei, tungkol sa pagpapatatag ng 40 taong diplomatic ties ng dalawang bansa.

Nagsagawa rin ang Pilipinas at Brunei ng tatlong memorandum of understanding (MOUs) sa turismo, Maritime cooperation, at International Convention on Standards of Training, Certification and Watchkeeping for Seafarers (STCW). May inilagdang din silang letter of intent sa agricultural cooperation.

Nakipagpulong naman si Pangulong Marcos Jr. sa Presidente at Primer Minister ng Singapore, at nanawagan sa mga kinatawan ng 48 na bansa sa Shangri-La Dialogue tungkol sa kahalagahan ng batas-pandaigdig.

Inaasahan na magkakaroon ng mas matatag na kooperasyon at pakikipag-ugnayan ang Pilipinas at mga bansang ito sa mga usapin hinggil sa ekonomiya at seguridad.