PBBM, balik Australia para sa ASEAN Special Summit

Balik Australia si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ngayong araw para makibahagi sa ASEAN-Australia Summit ngayong Marso 4-6.

Balik Australia si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ngayong araw para makibahagi sa ASEAN-Australia Summit ngayong Marso 4-6.

Kamakailan ay binisita ng Pangulo ang Canberra para sa isang 2-day visit para palakasin ang kooperasyon ng Pilipinas at Australia.

Sa kanyang pagbabalik sa Australia, pasasalamat ni Pangulong Marcos ang gobyerno nito sa pagsuporta nito sa 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea at 2016 ruling of the Permanent Court of Arbitration, ayon sa Department of Foreign Affairs.

Isusulong din aniya ng Pangulo ang patuloy na kooperasyon ng ASEAN at Australia sa aspeto ng maritime security, climate change at people-to-people exhange.

Magkakaroon din ng bilateral meetings si Marcos sa mga lider ng bansang Cambodia, at New Zealand.