PBBM at FL ibinahagi ang sikreto ng matatag na relasyon

Sinabi ni Pangulong Marcos Jr. na mahalaga ang komunikasyon sa isang relasyon at hindi ito dapat daanin sa cellphone o sa social media.

Nagdulot ng kilig ang ibinahagi ng First Couple na sikreto ng kanilang pagsasama.

Sa Vlog ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na may titulong “Ask Us Anything With First Lady Liza Marcos” nagbigay sila ng payo kung paano balansehin ang trabaho at ang relasyon bilang mag-asawa.

Ayon sa Pangulo, kahit abala siya sa kanyang trabaho hindi nawawala ang quality time kasama ang unang ginang.

Kahit aniya maikling oras sa bawat araw ay may inilalaan silang panahon sa isat-isa gaya ng pag-kain ng magkasabay.

Sinabi naman ng Unang Ginang na may bonding moment din sila gaya ng pagluluto ng Pangulo para sa pamilya at date night tuwing miyerkules kung saan kumakain sila sa paborito nilang restaurant para makapag-kwentuhan at tawanan.

“One of the things really that keeps us going is the sense of humor. Dahil napaka-seryoso ng trabaho namin, I was about to say we dont bring work home but we do, because we have to. In the end we always find time to laugh about everything and to see the lighter side of things, otherwise we will go a little crazy, but I can make jokes with Liza,” dagdag ng Pangulo.

Payo naman ng First Couple sa humingi ng tips kung paano maging matibay at matatag ang relasyon kagaya nila ng Unang Ginang.

Sinabi ni Pangulong Marcos Jr. na mahalaga ang komunikasyon sa isang relasyon at hindi ito dapat daanin sa cellphone o sa social media.

“I supposed it’s just direct communication. Don’t communicate with your phone. Talk to each other face to face, don’t bother with social media when it comes to relationship. Talk to each other face to face, hold hands, walk down the beach, do something but don’ do it digitally,” pahayag ni Marcos.

Sa panig naman ng Unang Ginang, pinayuhan nito ang mga may relasyon na huwag magpadala sa stress bagkus ay gawing magaan at magpasalamat ano mang biyayang mayroon ng mga magkasintahan o mag-asawa.

“Don’t let stress get into you, laugh whenever you can, be grateful for what you have and we are all blessed one way or another. Just be grateful, we’ll never be perfect but just be gratful,” ayon sa Unang Ginang.

Iginiit ng Pangulo na mahalaga ng pagkakaroon ng sense of humor na isa sa nagpapatibay sa ugnayan ng magsing-irog.