PBBM aprub sa pagbalik sa dating school calendar

Boto si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagbabalik ng pagsisimula ng pasukan sa buwan ng Hunyo.

Boto si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagbabalik ng pagsisimula ng pasukan sa buwan ng Hunyo.

Ayon kay Marcos, batid niya ang pasakit ng matinding init sa pag-aaral ng mga estudyante.

Kaya naman, kung kaya raw ay gusto niya na agad ibalik sa Hunyo ang pasisimula ng pasukan sa bansa.

“I don’t see any objections, especially with El Niño being what it is. Every day you turn on the news, F2F (face to face) classes are postponed,” pahayag ng pangulo sa isang ambush interview sa Pasay City.

“Hopefully by next year, yes, matatapos na,” aniya.

Sa dating school calendar, bakasyon na ng mga estudyante tuwing Abril at Mayo, kaya’t hindi na nila dadanasin pa ang matinding init ng summer season sa bansa.

Matatandaang iniulat ng Department of Education na sumulat na sila sa pangulo upang aprubahan na ibalik sa dati ang school calendar sa bansa.