PBBM: Administrasyong Aquino, Duterte walang nagawa sa Yolanda rehab!

Wala umanong nagawa ang nagdaang administrasyon ni dating Pangulong Benigno "Ninoy" Aquino Jr. at dating Pangulong Rodrigo "Digong" Duterte sa mga biktima ng Super Typhoon Yolanda.

Wala umanong nagawa ang nagdaang administrasyon ni dating Pangulong Benigno “Ninoy” Aquino Jr. at dating Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa mga biktima ng Super Typhoon Yolanda.

Ito ang naging pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa isang panayam habang nagsasagawa ng pamamahagi ng mga titulo ng lupa sa Tacloban City.

“Even up to now, it’s up to the governors also… and even some of the officials hindi talaga pa tayo mag fully recover, di ko masasabi na naka fully recover na tayo sa Yolanda,” saad ng Pangulo.

‘With all those rehabilitation, you know we only really started two years ago because nothing was done in the previous administration, nothing was done in the administration before that so 12 years on, ngayon pa lang talaga natin naasikaso nang mabuti,” dagdag pa nito.

Samantala, noong nakaraang taon ay nanawagan si Marcos sa publiko na alalahanin ang mga biktima ng Yolanda na hanggang ngayon ay hindi pa natutukoy ang kinaroroonan.

Nasa higit 7,000 katao ang namatay at nawawala dahil sa naturang bagyo noong 2013. Apektado rin nito ang higit sa 16 milyong indibidwal o 3 milyong pamilya sa buong bansa.