PBB ng mga pulis ilalabas sa June 19? Fake news! – PNP

Peke ang kumakalat sa social media post na may ibibigay na Performance Based Bonus ang Philippine National Police sa mga kagawad nito.

Peke ang kumakalat sa social media post na may ibibigay na Performance Based Bonus ang Philippine National Police sa mga kagawad nito.

Ayon sa pahayag ng PNP Finance Service, walang katotohanan ang post kung saan nakasaad na ngayong araw June 19 ay matatanggap ng mga pulis ang kanilang bonus.

Sinabi ng PNP na wala pang schedule para sa pagpapalabas ng Performance Based Bonus para sa mga PNP personnel.

Hinikayat ng PNP ang publiko na maging maingat sa mga impormasyong nababasa sa social media.

Dapat ding siguruhin na ang mga binabasang impormasyon ay mula sa awtorisadong channel at opisyal na social media account para matiyak na ito ay totoo at beripikado.

image 123650291