PBA player nag-sorry matapos ma-hulicam tangkang panunuhol sa enforcer

Sa gitna ng kanyang public apology ngayong Lunes ay hindi nagpaliwanag si Meralco Bolts center Raymond Almazan sa tangka niyang panunuhol sa isang enforcer.

Sa gitna ng kanyang public apology ngayong Lunes ay hindi nagpaliwanag si Meralco Bolts center Raymond Almazan sa tangka niyang panunuhol sa isang enforcer.

Personal na humarap si Almazan sa tanggapan ng Department of Transportation (DOTr) kaugnay ng paggamit niya ng EDSA busway noong Abril 15.

Dito ay humingi ng tawad ang basketbolista sa mga kawani ng DOTr-Special Action and Intelligence Committee for Transportation (DOTr-SAICT).

Aminado si Almazan na mali ang kanyang ginawa at nangakong babayaran ang kaukulang multa.

Gayunman, hindi nagpaliwanag ang basketbolista sa ‘di umano’y tangka niyang panunuhol sa enforcer na sumita sa kanya.

Sa isang naunang pahayag, sinabi ni Almazan na hindi suhol ang tinangka niyang iabot sa enforcer. Aniya, inakala niyang pwede na agad bayaran ang multa sa kanyang paglabag.