PBA legend Yoyong Martires pumanaw na

Sumakabilang-buhay na ang PBA legend, Olympian at comedian na si Yoyong Martires.

Sumakabilang-buhay na ang PBA legend, Olympian at comedian na si Yoyong Martires.

Siya ay edad 77.

Ayon sa pamilya ng dating basketbolista, pumanaw ito dahil sa komplikasyon sa pneumonia.

Nilarawan si Yoyong ng kanyang anak na si Moby Leah bilang isang “loving husband, doting father, caring grandpa at self-made man.”

Naglaro si Martires para sa San Miguel ng sampung taon. Dito niya nakuha ang kanyang dalawang kampeonato.

Taong 1972 ay isa si Yoyong sa napili para irepresenta ang Pilipinas sa Munich Olympics.

Matapos ang kanyang basketball career ay naging isa namang aktor si Yoyong kung saan lumabas siya sa ilang show nina Vic Sotto at Joey de Leon.

Nagsilbi rin siyang vice mayor sa Pasig City noong 2004 hanggang 2013.