Payo na hubad underwear sa bahay, pambabae lang – Garin

Nilinaw ni dating Health secretary at Iloilo 1st district Rep. Janette Garin na para sa mga kababaihan lamang ang kanyang payo na paghuhubad ng underwear kapag nasa bahay.

Nilinaw ni dating Health secretary at Iloilo 1st district Rep. Janette Garin na para sa mga kababaihan lamang ang kanyang payo na paghuhubad ng underwear kapag nasa bahay.

Ito’y matapos mag-viral ang kanyang pahayag sa social media.

Paliwanag ng mambabatas, mas sensitibo ang maselang bahagi ng mga babae kaya’t delikado sila sa fungal infection lalo kapag mainit. Taliwas naman dito ang mga kalalakihan.

“Iba yung anatomical aspect ng lalaki. They are not prone to fungal infection in their intimate areas,” wika ni Garin.

Gayunman, may payo pa rin si Garin sa mga kalalakihan ngayong tag-init.

“Men are more prone to heat stroke and cardiac illnesses especially during extreme heat,” aniya.

“Hence the need to drink 8 to 10 glasses of water per day,” dagdag pa ng solon.