PAWS: Kasong animal cruelty vs killer ni Killua, walang atrasan!

Tuloy ang pagsampa ng kaso ng Philippine Animal Welfare Society o PAWS sa suspect sa pagpatay sa golden retriever na si Killua.

Tuloy ang pagsampa ng kaso ng Philippine Animal Welfare Society o PAWS sa suspect sa pagpatay sa golden retriever na si Killua.

Kinilala ang dog killer na si Anthony Solares.

Sa post ng PAWS sa kanilang official Facebook page, sinabi nito na ang paglabag sa Animal Welfare Act at Anti-Rabies Act ang isasampa nilang mga kaso kontra Solares base sa CCTV footage kung makikitang hinabol ng suspect ang aso at hinataw ng palo bago ito mamatay.

“PAWS is still set to file criminal charges against Anthony Solares for animal cruelty as CCTV footages show that he was the one who chased the dog and even poked Killua while the animal was hiding under a car in order to make it come out so he could beat Killua to death,” saad ng PAWS.

Bagama’t walang makitang sapat na ebidenya upang maging guilty si Solares sa pagbebenta ng laman ng aso, tuloy ang hatol sa suspect higgil sa animal cruelty.

Matatandaang nag-viral ang social media ang pagpaslang sa asong si Killua, na nagbukas sa diskusyon ng pagpapalawig ng batas kontra animal cruelty at pagpo-promote naman sa animal welfare.

BASAHIN: