Paulo Avelino todo tanggi na hinahatid si Kim Chiu

Mariing itinanggi ni Paulo Avelino na hinahatid niya pauwi sa bahay si Kim Chiu sa tuwing matatapos ang kanilang taping.

Mariing itinanggi ni Paulo Avelino na hinahatid niya pauwi sa bahay si Kim Chiu sa tuwing matatapos ang kanilang taping.

Sa panayam kay Paulo ni ABS-CBN, sinabi nito na dumidiretso na sila pauwi ni Kim dahil talagang pagod sila sa kanilang pagtatrabaho.

Bukod pa riyan ay malayo rin kasi umano ang bahay ni Kim.

“Layo ng bahay ni Kim. After ng taping I’m sure pagod na kami pareho, deretso na (uwi),” tsika ni Paulo.

Sa ngayon, abala ang loveteam sa shooting ng kanilang kinakikiligan na palabas na ‘What’s Wrong with Secretary Kim’.