Paul Lee, ‘Darna’ bibida sa Ako Bicol Cup Sorsogon opening ceremony!

Magsisimula na sa March 3, Linggo, ang pinakahihintay ng mga Oragon na Ako Bicol Cup Sorsogon!

Magsisimula na sa March 3, Linggo, ang pinakahihintay ng mga Oragon na Ako Bicol Cup Sorsogon!

Gaganapin ang opening ceremony sa Casiguran Gymnasium, alas-6:30 ng gabi.

Present sa naturang event ang 3-time PBA champion at kasalukuyang superstar ng Magnolia Chicken Timplados Hotshots na si Paul Lee.

Syempre, nandiyan din para magsaboy ng kagandahan ang Kapamilya actress na gumanap na rin bilang ‘Darna’ na si Jane de Leon.

Abot sa 15 koponan ang magbabanggaan para sa edisyon ng naturang basketball event.

Ang Ako Bicol Cup ay suportado nina Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co at Rep. Jil Bongalon.