Patung-patong na! Tax evasion case, ikakasa rin laban kay Alice Guo

Kakasuhan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) si Bamban Mayor Alice Guo ng tax evasion at mga paglabag sa Securities Laws ng bansa.

Kakasuhan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) si Bamban Mayor Alice Guo ng tax evasion at mga paglabag sa Securities Laws ng bansa.

Nilinaw ni PAOCC spokesperson Winston Casio na ang ihahaing kaso laban kay Guo ay iba pa sa mga naunang kasong ipapataw ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa Ombudsman hinggil sa pagkakasangkot umano ng mayora sa ilegal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) sa kanyang lugar.

“Yung anti-graft, hindi na po namin siya sasampahan noon. Maaring sampahan din po namin siya ng violations ng Securities Regulation Code, maging yung ibang opisyal ng Hong Sheng at saka yung Zun Yuan at Baofu,” sabi ni Casio.

Sasampahan din ang ilang mga negosyante at lokal na opisyal ng tax evasion, kung saan nababanggit ang mga taon kung kailan sangkot si Guo sa nasabing POGO noong siya pa ay isang pribadong mamamayan.

“I am not in possession of the actual documents, pero I would imagine, yeah nung involved pa po siya siguro sa Hong Sheng at Baofu,” dagdag niya.