Patuloy na tinatahak ang Bagong Pilipinas! Mas madaling pagbayad ng buwis, mahalagang repormang sinulong ni PBBM — mambabatas

Inilarawan ng isang mambabatas ang bagong pirmang Ease of Paying Taxes Act bilang "most comprehensive tax administration reform since the 1997 National Internal Revenue Code."

Unti-unting inabago ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Pilipinas sa mga polisiya at programa nito.

Kanya naman binansagan siya ni Albay 2nd district Rep. Joey Salceda na “modernizer of long-stagnating systems” matapos pirmahan ng una ang Ease of Paying Taxes (EOPT) Act, na layong gawin mas simple pero modern ang pagbabayad ng buwis.

Sa isang pahayag, inilarawan ni Salceda ang EOPT bilang ” most comprehensive tax administration reform since the 1997 National Internal Revenue Code.”

“It brings our tax administration system to the digital world—allowing the BIR (Bureau of Internal Revenue) to shift to a full digitalization,” dagdag pa ni Salceda, na chairman rin ng House Committee on Ways and Means.

Kaugnay niyan ay binigyang-pugay rin niya ang House of Representatives, na aniya’y isa sa mga panukalang pinangunahan ng kaniyang komite.