Patuloy na pagtulong ang hangad: PCSO namigay ng mga kagamitang pang-medical sa mga LGU

Namigay kamakailan lamang ang PCSO ng mga medical devices sa LGUs ng Cainta at Maynila bilang bahagi ng Corporate Social Responsibility nito.

Nagbigay ng mga donasyong medical ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong Lunes, Setyembre 11, sa local government unit (LGU) ng Cainta, Rizal at sa Ikatlong Distrito ng Maynila.

Pinangunahan nina PCSO General Manager Melquiades A. Robles at PCSO Director Janet De Leon–Mercado ang pagbibigay ng 25 wheelchairs, 10 walkers, at 10 canes sa LGU ng Cainta.

Tinanggap ito ni Gian Carlo Cruz, Chairman ng Barangay Sto Niño, noong Agosto 31.

Samantala, pinangunahan ni PCSO Executive Assistant VI Arnold “Bong” Arriola ng 50 wheelchairs, 10 canes, 25 blood pressure (BP) apparatus, at 25 glucometers sa Third District of Manila.

Tinanggap naman ni Irene Benito, Chairwoman ng Barangay 345, ang mga nasabing kagamitan, na ibibigay sa mga persons with disability at senior citizens.

Ang mga donasyong ito ay parte ng Corporate Social Responsibility ng PCSO kung saan layon nitong tulungan ang mga maralitang Pilipino, lalo na sa kanilang kalusugan.