Patrol car ng Del Gallego police, wasak sa rumaragasang bus

Ayon sa paunang imbestigasyon, matulin ang takbo ng bus at hindi napansin ang lumilikong patrol car.

CAMARINES SUR- Wasak ang patrol car ng Del Gallego Municipal Police Station (MPS) makaraang ma-sideswipe ng pampasadang bus sa kalsadang sakop ng Brgy. Sinuknipan sa bayan ng Del Gallego 8:00 ng umaga nitong Miyerkules, Oktubre 4, 2023.

Kinilala ang driver ng bus na si Jerry Renomeron, 44-anyos ng Antipolo City na biyaheng Manila sana.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), matulin ang takbo ng bus kaya’t hindi nito napansin ang papaliko sanang police mobile na naka-signal light naman.

Wala namang naiulat na nasaktan sa apat na sakay ng police mobile.

Napag-alaman din na bukod sa police mobile, nabunggo rin ng bus ang isang nakaparadang tricycle na maswerteng walang sakay.