Patrick Garcia umaming binasted ni Anne Curtis

Isiniwalat ng aktor na si Patrick Garcia na si Anne Curtis ang kauna-unahang babae na bumasted sa kanya.

Isiniwalat ng aktor na si Patrick Garcia na si Anne Curtis ang kauna-unahang babae na bumasted sa kanya.

Ito ang ikinuwento ni Patrick sa panayam ni Boy Abunda.

“Matagal na ito, mga 1999 pa ito. Ngayon ko lang sinabi ito, sorry guys,” pagsisiwalat ni Patrick.

Nagsama sina Patrick at Anne sa mga palabas sa telebisyon na “G-Mik” noong dekada ’90 at “Kampanerang Kuba” noong 2005.

Samantala, sa nasabing panayam ay itinanggi rin ni Patrick na may naka-date na siyang fan, maging ang tsismis na may mga babae nang nanligaw sa kanya.

Sa ngayon, si Patrick ay masaya na sa kanyang buhay may-asawa kasama ang kanyang misis na si Nikka Martinez. Mayroon silang apat na anak. Bukod dito, may anak din si Patrick sa dati niyang dyowa na si Jennylyn Mercado.

Sa kabilang dako, happily married na rin si Anne kay Erwan Heussaff. Sila ay may isang anak.