Patay-sinding suplay ng kuryente, posible umanong dahilan ng sunog sa isang bahay sa Polangui, Albay

Pasado alas-11:00 ng gabi nitong Linggo, September 17, 2023 nang sumiklab ang sunog sa isang bahay sa Barangay Maynaga, bayan ng Polangui.

Kinilala ang may-ari ng nasunog na bahay na si Trinidad Borromeo, 70-anyos na pansamantalang kinukupkop ngayon ng kaniyang mga kaanak.