Patay na naman daw? Kim Atienza biktima muli ng social media hoax

Muli na namang nabuhay ang isang HOAX na pumanaw na raw ang sikat na TV host na si Kuya Kim Atienza.

Muli na namang nabuhay ang isang HOAX na pumanaw na raw ang sikat na TV host na si Kuya Kim Atienza.

Ayon sa pekeng obituary card na kumakalat sa social media, namatay daw si Kuya Kim noong ika-3 ng Hunyo, 2014.

“Nope, not today,” ang malinaw na sagot ni Kuya Kim sa kanyang Instagram account, na tila sinasabing buhay pa siya at patuloy na nagtatrabaho.

Sukdulan ang pagkalat ng balita dahil ginagamit pa ng mga taong nagkalat ng pekeng balitang ito ang logo ng GMA Network para palabasing totoo ang kanilang pahayag. Pero si Kuya Kim mismo ang nagpabulaan sa hoax na ito.

Marami ring mga celebrity ang nagpakita ng kani-kanilang pagkagulantang at inis sa nangyayarin na ito, kabilang na ang kapwa Kapuso host at news anchor na si Arnold Clavio o Igan

“Hahahaha! Kuya Kim, ano neh? Ogag yan!” komento ni Igan.

Matatandaang noong 2020, inulan na rin si Kuya Kim ng ganitong uri ng “death hoax” kung saan sinabing namatay siya sa isang aksidente. Pero agad niyang pinasinungalingan ang nasabing balita.

“I I am very much alive and still working,” he said at the time. “I tried to pass this off and be quiet but my friends and family are worried. I have to address this fake news item now.” ang malinaw na pahayag noon ni Kuya Kim.

TINGNAN: