Patama sa misis ni Robin? Solon na doktor, walang ‘gluta drip’ sa Kamara

Kung sa Senado ay pwede mag-IV drip, sa Kamara naman ay iba ang ginagawa ng isang solon.

Kung sa Senado ay pwede mag-IV drip, sa Kamara naman ay iba ang ginagawa ng isang solon.

Kinumpirma ni South Cotabato Rep. Peter Miguel na nagsasagawa siya ng medical consulation sa kanyang opisina sa Kamara.

Pero libre ito at ginagawa niya kapag maluwag ang kanyang schedule.

“Totoo pong meron akong clinic sa taas, South Wing. Libre pong magpatingin dahil po ‘yan po ang adbokasiya natin, yung healthcare,” wika ni Miguel.

Naitanong kay Manuel ang tungkol sa viral na ‘gluta drip’ ni Mariel Padilla, misis ni Senador Robin Padilla.

Wika ni Manuel, wala daw ginagawang ‘drip’ sa kanyang opisina sa Kamara.

“Wala pang nagtatanong pero ako hindi ako magdi-drip dito. I’ll just stick with my specialty. Dun ako mas magaling, dalubhasa ika nga,” lahad ni Miguel na isang ENT doctor.