Pastor Quiboloy nasa ‘Pinas pa rin daw

Ibinunyag ng abogado ni Pastor Apollo Quiboloy na si Israelito Torreo na nasa bansa pa rin ang self-proclaimed 'Appointed Son of God.'

Ibinunyag ng abogado ni Pastor Apollo Quiboloy na si Israelito Torreo na nasa bansa pa rin ang self-proclaimed ‘Appointed Son of God.’

Ito’y sa kabila ng ilang beses na kabiguan ng mga awtoridad na mahanap si Quiboloy sa kanyang mga ari-arian sa Davao City.

“Well, I can say that he is still in the Philippine territory. […] He is still in the Philippines,” saad ni Torreo sa panayam ng ANC ngayong Huwebes.

Naniniwala rin si Torreo na makatwiran ang kondisyon ni Quiboloy na paggrantiya na hindi makikialam ang US sa kanyang kaso.

“I believe that is not an unreasonable request, and he merely wants an assurance that he will not be extraordinarily rendered to the United States of America, which is different from extradition,” aniya.

Ang Senado ay may arrest order laban sa pastor dahil sa hindi nito pagsipot sa kanilang mga pagdinig. Bukod pa rito, ang isang korte sa Davao ay nag-isyu na rin ng arrest warrant laban kay Quiboloy dahil sa kasong child at sexual abuse.