Pass tayo jan, mga tropa! Teodoro, binalaan ang AFP, DND sa pagsali sa AI photo challenge

Karaniwang ginagamit ngayon ang AI photo generator para sa tinagurian AI photo challenge, kung saan magpo-post ang isang indibidwal na mga larawan niyang pinaganda ng artificial intelligence.

Pinaalalahanan ni Department of National Defense (DND) ang lahat ng defense at military personnel na huwag gagamit ng kahit anong artificial intelligence (AI) photo generators dahil sa taglay nitong security risks.

“The online trending digital application that uses AI, which requires its users to submit at least 10 photos to generate an enhanced portrait, poses significant privacy and security risks,” paliwanag ng DND sa memorandum na pinirmahan ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr.

Dagdag pa nito, iniipon ng AI ang mga personal na impormasyon ng mga gumagamit nito na maaaring gamitin sa paggawa ng “digital person that mimics how a real individual speaks and moves”—o a tinatawag na deep fake.

“All DND and AFP (Armed Forces of the Philippines) personnel are directed to refrain from using AI photo generator applications, and practice vigilance in sharing information online. Ensure that your actions are aligned to the Department’s values and are in adherence to existing policies,” paalala naman ni Teodoro.

Sikat ngayon ang paggamit ng AI photo generator para sa tinaguriang AI photo challenge na viral ngayon sa social media.