Pasok, mga suki! Kamara, planong buksan ang Pilipinas sa mga mamumuhanang banyaga – Romualdez

Nais ni House Speaker Martin Romualdez na masusing pag-aaralan ng Kamara kung paano padadaliin ang pagpasok ng foreign direct investments (FDI) sa bansa upang maengganyo ang mga investors na mamuhunan sa Pilipinas.

Nangako si House Speaker Martin Romualdez na masusing pag-aaralan ng Kamara kung paano padadaliin ang pagpasok ng foreign direct investments (FDI) sa bansa.

Ito ay kasunod nang pangakong P11-bilyong investment pledge ng kumpanyang Dyson kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. matapos nilang magpulong sa Singapore kamakailan lang.

“We joined the President in his policy to do and conduct reviews on the current body of legislation particularly focusing on legislation or laws that govern the treatment and appreciation of foreign investments into the country and how foreign business are conducted in the Philippines,” paliwanag ni Romualdez.

Ayon sa House Speaker, layon ng Kamara na repasuhin ang mga batas upang mas maging bukas ang Pilipinas sa mga FDI, na siya namang makapagpapalago sa ekonomiya.

“We are moving, [to] streamline those laws and we’re also looking at the totality of the body of laws and looking at older laws, either obsolete or archaic o yung sinasabi na hindi na bagay sa panahon na nag e-encourage tayo ng foreign investments,” dagdag pa ni Romualdez.

Nito lang rin ay nahikayat rin ni Pangulong Marcos na mamuhunan ang isang Malaysian company dito sa bansa.