Pasig Bigyan Buhay Muli! Development project sa Ilog Pasig, magiging ‘people-centered’ at ‘community-driven’—PBBM

Bukod sa mga business centers, layon ng Pasig River Urban Development Project na mabigyan ang mga mamamayan ng maganda, ligtas, at makabagong civic spaces para sa mga mamamayan, ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Sinabi mismo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magiging “people-centered and community-driven” ang Pasig River Urban Development Project.

Tiniyak niya ito matapos pasinayan ang showcase area ng nasabing proyekto, na layon aniyang gumawa ng “path forward for this national asset.”

“We are here to consecrate ourselves to the mission of transforming Pasig River to what it is supposed—to be a living river of multiple benefits for the multitude, featuring safe walkways and bikeways along its bank, a green corridor that will serve as lungs for our city’s needs, a string of parks for communities nearby,” saad ng pangulo.

“Make no mistake about it. It will be a people-centered and community-driven development with ideas crowdsourced from experts and carried out with political will,” dagdag pa niya.

Aniya, sisiguraduhin niyang may mga “new” at “fresh” na ideya para masiguradong maayos at modern ang kalalabasan ng proyekto.

“Along the two-kilometer stretch will judiciously sprout commercial enterprises run by the best stewards and the strongest stakeholders of the river’s development—the people themselves. We envision civic spaces where our children will play, our seniors will relax, families will exercise, artists can showcase their talents and the creative can display their wares,” sabi pa ng pangulo.

Kaugnay niyan, sinabi rin ng pangulo na hihingi siyang ng mga progress reports upang masigurong maayos at nasa oras ang pagsasagawa sa proyekto.