Pasensya ni Bela sa Gulf Air, ubos na; Bagahe nawawala pa rin!

Limang araw matapos makarating sa kanyang hometown sa London, tuluyan na ngang naimbyerna si Bela Padilla nang hanggang ngayon ay hindi niya pa rin nakukuha ang kanyang nawawalang bagahe.

Limang araw matapos makarating sa kanyang hometown sa London, tuluyan na ngang naimbyerna si Bela Padilla nang hanggang ngayon ay hindi niya pa rin nakukuha ang kanyang nawawalang bagahe.

“No answers or accountability from anyone on your end regarding my missing luggage @GulfAir so disappointing. First and last time I’m flying with you guys,” post ni Bela sa kanyang Twitter account.

Pinaabot niya rin ang kanyang pagkadismaya sa kaniyang Instagram account na may 7.8 million followers na aniya’y wala naming ginagawang aksyon ang Gulf Air ukol sa nangyaring insidente.

Ito ay kahit sa kabila ng pakikipag-ugnayan at pakikipag-usap ng aktres sa nasabing international airline.

“In other news, I’m just gonna go on with my day cause there’s no point in calling @gulfair everyday since no one is actually is doing anything,” sa kanyang Instagram post.