Pasaporte ni Kuya Kim nginatngat ng alaga

Nasubok ang pasensya ni Kuya Kim Atienza matapos ngatngatin ng kanyang alagang aso ang kanyang pasaporte.

Nasubok ang pasensya ni Kuya Kim Atienza matapos ngatngatin ng kanyang alagang aso ang kanyang pasaporte.

Sa kanyang TikTok post, ibinahagi ni Kuya Kim kung ano ang naging itsura ng kanyang pasaporte matapos itong gawing pagkain ng alaga niyang aso na si Lolo Joe.

“Lolo Joe, bad dog. Bad dog, Lolo Joe. Don’t do that,” saad ng TV host sa video.

“These are the perils of adopting dogs. This is my new passport,” dagdag pa niya.

Si Kuya Kim ay kilala bilang animal lover at ang kanyang bahay ay tahanan sa maraming uri ng hayop, kabilang ang mga aso.

Aliw naman ang mga netizen sa post ng TV host.

“Baka nagtatampo si Lolo Joe ‘pag umaalis ka Kuya Kim kaya gusto ka alisan ng karapatan.”

“Laging tandaan ang buhay ay weather weather lang.”

“Ikaw ang papagalitan ko Kuya Kim, kasi ‘di mo nilagay sa tamang lagayan.”

Humakot na ng mahigit 387,000 views sa TikTok ang naturang video.

@kuya_kimatienza

Patience patience patience. My elderly dog Lolo Joe ate my passport 🙁 Have a good day peeps! #kuyakimanona #dapatalammo #foryourpage #foryou #learnitontiktokph #dogs #dogsoftiktok

♬ Aray – JSSE