Pasahero sa NAIA nag-bomb joke, arestado

Imbis na sa Canada, sa kulungan ang bagsak ng isang 65-anyos na lalaki matapos mag-bomb joke sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 noong Miyerkoles.

Imbis na sa Canada, sa kulungan ang bagsak ng isang 65-anyos na lalaki matapos mag-bomb joke sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 noong Miyerkoles.

Ayon sa ulat, iniinspeksyon ang gamit ng lalaki nang bigla itong magsabi ng: “Granada lang naman laman niyan.”

Nabahala ang security personnel ng NAIA at masinsinang sinuri ang bagahe ng pasahero. Wala naman nakitang granada sa gamit ng lalaki, na isang Filipino-Canadian.

Sa kabila nito, nilabag pa rin niya ang PD 1727 kaya’t sa Police Station 1 ng NAIA ang kanyang bagsak.

“Cracking a joke about bombs or explosives is not only irresponsible but also illegal. We take security threats seriously, and any attempt to ignore such matters will be met with swift and appropriate action,” pahayag ni Police Brig. Gen. Christopher Abrahano ng PNP AVSEGROUP.