Parusahan kung mayroon kalokohan! Mga alegasyon ng korupsiyon sa PUV modernisasyon, iimbestigahan sa Kamara

Una nang nagbintang ang isang dating tauhan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na may mga iregularidad at korupsiyon sa pagpapatupad ng modernisasyon. Subalit binawi rin niya ito.

Naghahanda na ang House Committee on Transportation sa imbestigasyon nito tungkol sa mga alegasyon ng korupsiyon sa pagpapatupad ng Public Utility Vehicle Modernization Program.

Ayon kay Antipolo City 2nd District Rep. Romeo Acop, sisimulan nila ang inquiry motu proprio sa nasabing isyu alinsunod na rin sa kahilingin ni House Speaker Martin Romualdez.

BASAHIN RIN: Hokus-pokus sa modernisasyon? Tukuyin kung may korapsyon sa PUV modernization program — Romualdez

Dagdag pa ni Acop, hinihintay na lamang niya ang pag-apruba ng iba pang kasapi sa komite upang tuluyan ng masimulan ang imbestigasyon sa mga alegasyon sa PUVMP, na tinawag niyang “very serious.”

“If we are to proceed with the modernization of our PUVs, we must make sure there is not even a whiff of irregularity,” Acop said.

Una nang nagbintang ang isang dating tauhan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na may mga iregularidad at korupsiyon sa pagpapatupad ng modernisasyon. Subalit binawi rin niya ito.

Pinasisilip naman ni Romualdez ang naturang mga iregularidad diumano sa pagtatapos ng consolidation noong Disyembre 31, 2023.

BASAHIN RIN: ‘We welcome that’: DOTr, handa sa imbestigasyon tungkol sa alegasyon ng korupsiyon